NCRPO

Paggunita sa All Saints’ Day sa Metro Manila ligtas, mapayapa

Edd Reyes Nov 2, 2026
23 Views

INIULAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na naging mapayapa, maayos, at ligtas ang pangkalahatang paggunita ng Undas 2026 sa buong Metro Manila.

Ito’s sa kabila ng pagdagsa ng libo-libong pamilya na nagtungo sa mga sementeryo, memorial park, at columbarium sa buong Kamaynlaan upang alalahanin at bigyang-pugay ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Nakatulong ang mas pinaigting na seguridad at pagtulong sa publiko ng mga itinalagang pulis sa mga sementeryo, transport hubs, pangunahing lansangan, at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng maraming tao para tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng mamamayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si NCRPO Officer-in-Chareg P/BGen. Christopher Abrahano sa publiko dahil sa pakikiisa at pagsunod sa mga panuntunan sa seguridad, trapiko, at mga regulasyon sa sementeryo.

“Public safety requires a collective effort. We thank the public for their patience, discipline, and cooperation with our police officers and other personnel on the ground. Your cooperation greatly contributed to the peaceful observance of Undas,” ayon sa heneral.

Pinaalalahanan din ng NCRPO ang publiko na manatiling nakaalerto habang nagpapatuloy ang mga aktibidad na may kaugnayan sa Undas, partikular sa mga lugar na nakararanas ng mabigat na daloy ng trapiko at maraming pasaherong pabalik sa kani-kanilang tahanan.

Habang nagpapatuloy ang pag-uwi ng mga pamilya matapos ang Undas, tiniyak ng NCRPO na mananatiling handa ang mga tauhan nito na rumesponde sa mga emergency, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at magbigay ng kinakailangang tulong sa publiko saanman ito kailanganin.