Romero

1-PACMAN Party List patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino

Mar Rodriguez Feb 10, 2025
26 Views

Romero1BUNSOD ng adbokasiyang isinusulong nito. Nananatili ang 1-PACMAN Party List sa Kamara de Representantes sa pinagkakatiwalaan ng mamamayan partikular na ang mga atletang Pilipino alinsunod sa mataas na survey result na nakuha ng naturang Party List Group.

Batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Pulse Philippines noong nakalipas na Enero 2025 kung saan nananatili ang 1-PACMAN Party List sa sampung Party List Group o pasok sa “Top Ten” na pinagkakatiwalaan ng mamamayan.

Ayon 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., nakamit ng 1-PACMAN Party List Group ang ika-sampung puwesto na nagpapatunay lamang na patuloy na nagtitiwala ang mga Pilipino sa kanilang grupo bunsod ng mga adbokasiyang isinusulong nila.

Ipinaliwanag ni Romero na bagama’t patapos na ang kaniyang termino. Subalit nakahanda naman nilang ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya sa pamamagitan ng susunod na Kinatawan nito sa Kamara de Representantes na si Mikaela Louise “Milka” Romero.

Dahil dito, tiniyak ni Romero ipagpapatuloy ng kaniyang anak (Milka Romero) ang kaniyang mga nasimulan sa Kongreso sa pamamagitan ng paghahain ng mga panukalang batas at pagsusulong ng mga proyekto para sa kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino.

Bilang Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, ipinabatid pa ng kongresista ipagpapatuloy ni Milka Romero ang mga programa para sa mga maralitang mamamyan lalo na ang mga proyektong makakatulong para maibsan ang kanilang kahirapan.