SUV

Driver nasunog ng buhay sa nagliyab na SUV

Edd Reyes Feb 25, 2025
18 Views

SUV1NASUNOG ng buhay sa loob ng lumiyab na Honda CRV ang hindi nakilalang biktima sa elevated Skyway ng South Luzon Expressway (SLEX) noong Lunes sa Taguig City.

Pati kasarian ng biktima hindi agad ma-determine ng mga tauhan ng Regional Highway Patrol Unit ng National Capital Region (RHPU-NCR) dahil sunog na sunog ang katawan ng biktima matapos matrap sa Honda CRV (XHH-936) dakong alas-11:49 ng gabi sa KM11+100 ng northbound toll plaza sa Brgy. Western Bicutan.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena, napakabilis daw ng takbo ng Honda hanggang bumangga sa center at ilang ulit bumaligtad bago nagliyab nang sumalpok sa metal fence ng skyway.

Hindi na nakalabas ang driver na nag-iisa sa loob ng sasakyan na dahilan para tuluyan siyang matusta,

Nakikipag-ugnayan na sa Land Transportation Office (LTO) si P/Col. Joel Jucutan upang matukoy kung kanino nakapangalan ang nasunog na SUV.