Huli Kinilala ni PLt. Col. Roberto Mupas ang naarestong suspek na may kasong carnapping sa Binondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Dahil sa carnapping, lalaki nalambat

Jon-jon Reyes Feb 28, 2025
12 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki dahil sa kasong carnapping sa Muelle de Binondo St., Binondo, Manila.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Col. Roberto Mupas, commander ng MPD Meisic Police Station 11, nahuli si alyas Jhon Tallo, 32, sa pangunguna ni PLt. Meynard Umali.

Nadakip si alyas Jhon sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Manila City RTC Branch 33 sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti Carnapping Act of 2016).

Katuwang sa paghuli sa suspek si P/Maj. Kevin Rey Bautista.