Madrona

Madrona sang-ayon na huwag iboto mga kandidatong pabor, sangkot sa illegal POGO

17 Views

Madrona1Madrona2SINANG-AYUNAN ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang panawagan ng kapwa nito kongresista sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong pumapabor sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ipinaliwanag ni Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na dapat maging maingat ang mga botante sa pagpili ng kanilang mga iboboto sa darating na May mid-term elections dahil ang dapat nilang ihalal ay ang mga kandidatong naninindigan laban sa POGO.

Binigyang diin ng kongresista na dapat magsilbing babala ang mga kandidatong pumapabor sa POGO partikular na ang mga may kaugnayan sa operasyon nito sa Pilipinas. Bagama’t wala naman pagkakakilanlan kung sino-sino ang mga naturang kandidato.

Gayunman, sabi ni Madrona na ang kaniyang paalala ay alinsunod lamang sa prinsipyo ng “vote wisely” kung saan ang mga botante ay kailangang maghalal ng karapat-dapat at kuwalipikadong kandidato na totoong magsisilbi sa interes ng mamamayan.

Sa isang press conference, ipinahayag naman ni House Assistant Majority Leader at Manila 1st Dist. Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio, Jr. na may mga tumatakbong kandidato na mayroon umanong nakukuhang suporta mula sa mga operators ng POGO.

Samantala, nakipag-diyalogo si Madrona sa pamamagitan ng consultative meeting sa pagitan nito at mga School Heads ng San Agustin, Calatrava at Sta Maria na ginanap sa San Agustin Central Elementary School.

Sinabi ni Madrona na ang idinaos na pagpupulong ay nagsilbing “open dialogue platform” kung saan ang bawat lider ng paaralan ay nagbahagi ng kanilang inputs, experiences at challenges na may kaugnayan sa mga isinusulong na proyekto at programa sa kanilang paaralan.