Bugbog Sinisyasat ng homicide investigator ang labi ng biktima. JONJON C. REYES

Lalaki pinagtulungang bugbugin ng mag-uutol, sinaksak, tigok

Jon-jon Reyes Mar 4, 2025
10 Views

PATAY sa saksak ang isang 25-anyos na lalaki matapos saksakin sa likuran bahagi ng isa sa mga suspek makaraang pagtulungan bugbugin ito ng 4 na katao sa Bldg 33, Aroma Comp, Brgy. 105 Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Raymond, 25, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ni Police Capt.Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, bandang 3:30 p.m. ng makatangap ng tawag mula sa isang security guard ng Gat Andres Bonifacio Medical Center Hospital kaugnay sa isang lalaki na namatay sa saksak.

Nabatid sa inisyal na imbistigasyon base sa salaysay ng saksi na live in partner ng biktima na si alyas Joylyn, dishwasher, bago mangyari ang insidente pinuntahan nila kasama ang biktima ang bahay ng unang suspeksa Tondo ngunit wala ito.

Subalit muling bumalik ang biktima sa nasabing tahanan ng suspek at dito sila nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pisikalan.Tumulong ang kapatid ng suspek na si alyas Diether at dalawa pang kapatid na sina alyas Ness at Nasser.

Pagkatapos nito,hinawakan ng dalawa ang biktima at pinagtulungan ito hanggang sa bumunot ng patalim si Vasser at sinaksak ang biktima sa kanyang likod.

Binawian ng buhay ang biktima sa ospital, ayon kay Dr. Rachel Koon.

Ayon sa report matagal ng may alitan ang biktima at ang unang suspek sa dipa malaman na dahilan. Patuloy ang ginagawang follow-up operation ng mga awtoridad para hanapin at arestuhin ang mga tumakas na suspek.