Just In

Calendar

March 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Lacuna

Mayor Honey nagtalaga ng bagong hepe ng Manila Muslim Affairs Office

Edd Reyes Mar 5, 2025
26 Views

ITINALAGA ni Manila Mayor Honey Lacuna si Moh”d Yamen Datu Zacaria bilang Officer-In-Charge (OIC) ng Manila Muslim Affairs Office.

Sa pamamagitan ni Zacaria, ayon sa mayor, magiging bukas ang kanyang administrasyon sa anumang mungkahi kung papaano tatanggapin sa lungsod ang mga residenteng mananampalataya ng Islam.

Si Zacaria rin ang magiging tulay sa mga lider ng Muslim community sa lungsod upang alamin kung papaano maipagdiriwang ang Eid’l Fitr at Eid’l Adha at iba pang mga mahahalaga nilang okasyon.

Nilinaw din ni Mayor Lacuna na hindi na konektado sa Lungsod ng Maynila ang dating OIC ng Muslim Affairs simula pa noong Hunyo 30, 2024 kaya’t anumang transakiyon sa kanyang panunungkulan noon na napaso o expired na hindi na mai-rerenew pa.

Nagbigay din siya ng abiso sa publiko na maging maingat sa hindi awtorisadong Facebook page na nagpapakilalang kinatawan ng Office of Muslim Affairs.

Binigyang diin ng alkalde na ipagpapatuloy niya ang ginagawang pagkonsulta sa pamayanan ng mga Muslim sa lungsod upang higit pang maibigay ang kinakailangan nilang serbisyo.

Layunin din ng administrasyon ni Lacuna na palawakin pa ang pangangailangan sa mga produktong halal sa Maynila upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ganitong pagkain sa buong Metro Manila.