Calendar
Go inireklamo sa QC
DUMULOG sa pulisya ang dalawang opisyal ng homeowners association (HOA) upang ireklamo ang nakulong na si Rolito Go matapos magwala sa condominium sa Cubao, Quezon City.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7, galit umano si Go ng pagsisigawan ang dalawang opisyal ng Porto Vita condo building noong Pebrero 14.
Batay sa imbestigasyon, nagalit umano si Go nang hindi magustuhan ang resulta ng HOA election noong Pebrero 9-12.
Dahil umano sa pagwawala ni Go, dumulog sa pulisya ang mga bagong HOA officers kabilang ang presidente na si Lamberto Beltran Dela Cruz at ang board of trustees na si Regina Ty Montes, 67.
Sumugod umano si Go sa opisina ng HOA at pinawalang-bisa ang resulta ng election of officers.
Nabatid na ang anak ni Go na si Russel ang dating bise presidente ng HOA at napalitan sa nabanggit na election of officers.