Calendar

Nagpasabog sa kotse ng photo journ kilala na
KILALA na ng Quezon City Police District (QCPD ang dalawang lalaki na nagpasabog ng molotov sa kotse ng isang photojounalist noong Pebrero 19 sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Sinabi ni QCPD Acting Director, P/Col. Melecio Buslig na kasong arson ang isasampa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Don Don Llapitan laban sa mga suspek dahil sa pagkasunog ng likuran bahagi ng Toyota Vios ni Michael Varcas, photo journalist ng Philippine Star.
Ayon kay Llapitan, hindi muna nila babanggitin ang pangalan ng mga suspek dahil patuloy ang follow-up operation para sa pagkaaresto ng mga ito.
Nakilala ang isa sa mga suspek matapos lumutan ang isang saksi na sinasabing nakita niya ang dalawa habang gumagawa ng molotov.
Ayon pa sa saksi, ilan araw matapos niyang mabalitaan ang pagpapasabog sa kotse, ipinaalam niya sa kanilang barangay ang kaniyang nasaksihang paggawa ng molotov ng dalawang suspek.