Calendar

Nanghablot na ng cellphone may iligal boga pa, nasakote
ARESTADO noong Lunes ang isang lalaki na nahulihan ng walang lisensyang baril at nanghablot pa ng cellphone sa Block 19, Lot 16, Sitio Pawpawan, Brgy. San Salvador, Baras, Rizal.
Bandang alas-1:40 ng madaling araw nagtungo sa Baras police ang hindi nagpakilalang biktima kasama ang mga otoridad at inireport ang insidente.
Ayon sa salaysay ng biktima, biglang pumasok sa bahay niya ang ‘di kilalang lalaki at biglang dinaklot ang kanyang cellphone saka tumakbo palayo.
Nagsagawa ng preventive search ang mga pulis at nahuli ang suspek.
Nadiskubre ang kalibre 38 na baril nito at hiningi ang mga kaukulang dokumento ngunit hindi makapagpakita ng anumang patunay ang suspek.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong pagnanakaw at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code.