Just In

Calendar

October 2026
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
DILG

DILG pinarangalan ang Laguna sa pagprotekta sa kababaihan, kabataan

Gil Aman Oct 12, 2026
19 Views

STA. CRUZ, Laguna – Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A ang Laguna ng plaque of recognition bilang pagkilala sa pagganap nito sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng kababaihan at mga bata.

Ipinagkaloob ang parangal matapos makamit ang “highly functional” sa 2026 Local Committee Against Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).

Kinikilala sa parangal ang pagsisikap ng lalawigan na itaguyod ang mga karapatan ng kabataan, palakasin ang mga programa para sa kanilang proteksiyon at panindigan ang pinakamataas na pamantayan ng mabuting pamamahala.

Sa plake ng pagkilala na nilagdaan ni DILG Region IV-A Regional Director Ariel Iglesia, CESO III, kinilala ang lalawigan dahil sa matatag nitong dedikasyon sa pagtataguyod ng mga karapatan ng kabataan, pagpapalakas ng mga programa para sa proteksiyon, at pagsunod sa pinakamataas na pamantayan ng pamamahala upang mapangalagaan ang kababaihan, kabataan at mga pamilya.

Patunay ang tagumpay na ito sa patuloy na pagsisikap na magpatupad ng mga epektibong hakbang laban sa human trafficking at sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa kababaihan at mga bata upang matiyak ang ligtas at maayos na pamayanan para sa mga mamamayan.