Calendar

Nabakunan ng PCV sa Batngas City umabot sa PCV
BATANGAS CITY-Umabot sa 1230 senior citizens sa lungsod ang naturukan ng pneumococcal conjugate vaccine (PCV) noong Lunes, March 24.
Isa sa mga ito ay ang 64 taong gulang na si Angelina Comia ng barangay Maapas.
Bukod sa natanggap na bakuna, lubos ang pasasalamat niya sa pamahalaang lungsod sa artificial leg o prosthesis na ipinagkaloob sa kanya nang maputol ang kanyang kanang paa dahil sa sakit na diabetes.
Malaking tulong aniya ito upang muli siyang makabalik sa kanyang normal na mga gawain.
Labis din ang pasasalamat ng mga senior citizens mula sa ibat-ibang barangay na kabilang sa nabakunahan ng (PCV).
Ang PCV ay nagkakahalaga ng P 5,000 sa mga private clinics.
Ito ay isinama ng Department of Health (DOH) sa National Immunization Program (NIP) para sa mga senior citizens bilang proteksyon sa mga bacterial infections at upang maiwasan ang mga komplikasyon na maaaring magdulot ng kamatayan.
Ang bisa nito ay tumatagal sa loob ng limang taon.
Ang pagbabakuna ay pinangasiwaan ng mga kawani ng Office of the City Health Officer.