Lucas

8 HIV arestado sa magkakahiwalay na police operation sa Calabarzon

36 Views

Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City –ARESTADO ng mga kapulisan ang walong high value individual (HVI) sa magkakahiwalay na operation sa Bacoor City, Cavite; San Pedro City, Laguna; at Taytay, Rizal, noong Marso 25-26, 2025

Ayon sa ulat, ang Station Drug Enforcement Team ng Taytay Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA, ay nagsagawa ng buy-bust operation laban kay alyas Khads at nakumpiska ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P204,000; .38 caliber na rebolber, at tatlong bala.

Sa San Pedro, Laguna ay naaresto si alyas Maki, 38, bandang 12:16 ng umaga noong Marso 26, 2025, sa Barangay Cuyab, San Pedro City, ng Drug Enforcement Team ng San Pedro Component City Police Station.

Narekober ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 108 gramo, na may standard drug price value na P734,400; kasama ang buy-bust money.

Sa Brgy. Molino, Bacoor City, Cavite, bandang 3:00 ng umaga ang pinagsamang operatiba mula sa PDEU/PIU CAV PPO at BACOOR CCPS ay nahuli ang anim na suspek na sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas Boy, 48; alyas Reymart, 30; alyas Joedel, 20; ” alyas Matt, 33; alyas JP, 42; at alyas Jerwin.

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit 500 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng Php3,400,000.

Bilang karagdagan sa mga kaso ng droga, natagpuan ang mga baril na lumalabag sa Republic Act 10591 at sa COMELEC Gun Ban. Kasama sa mga nakumpiskang armas ang isang 1911 caliber .45, isang improvised Thompson .45, isang caliber .22 na baril, mga magasin, at mga bala para sa parehong caliber.

Sinabi ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON, na tiniyak sa publiko ang pangako ng kapulisan sa kampanya laban sa ilegal na droga at loose firearms.

Samantala, haharapin ng mga nahuling suspek ang mga kaso para sa Paglabag sa Sek. 5 at Sek. 11 ng R.A. 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 kaugnay ng Batas Pambansa blg 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).