Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
MJ Source: File photo

Marijuana nakuha sa lalaking patay mula sa flyover

29 Views

UTAS ang lalaking nahulog mula sa flyover sa Cubao, Quezon City noong Miyerkules at nakuhanan pa ng isang stick ng marijuana sa bulsa.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20-30, mga 5’2 ang taas, naka puting t-shirt at basketball shorts at may Simpson na tattoo sa kanang binti.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nadiskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng flyover sa Farmers sa Brgy. Socorro Cubao, Quezon City alas-9:25 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Lorenz Mappala, naglalatag na ng mga karton na matutulugan ang isang basurero nang makarinig ng malakas na kalabog.

Inusisa ng basurero kung ano ang nahulog at doon bumungad sa kaniya ang duguan at nakahandusay na katawan ng biktima.

Dumating ang SOCO team mula sa QCPD-FU sa pangunguna ni P/Maj. Eric Angay-Angay at sa pagsusuri nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito.