Calendar
KimPau ibinahagi ang plano ngayong Semana Santa
Ibinahagi nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang plano ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng ABS-CBN sa KimPau, sinabi ni Kimmy na pinalaki siya sa Katolikong pamamaraan na nagsisimba every Sunday.
“Mama ko, Katoliko, as in sobrang ano talaga, every Sunday, nagbibihis kami para pumunta ng simbahan and ang na-instill ng Mama ko bago siya mawala is mag-pray ng rosary everyday,” kwento ng aktres.
Sabi naman ni Paulo, just like Kim’s ay very religious din ang kanyang pamilya.
“Hanggang ngayon, nagpapadala pa rin sila ng mga Bible quotes or Bible verses or anything that can help me, kaming magkakapatid to uplift us spiritually,” sey ni Paulo.
When asked kung paano sila nagre-reflect kapag ganitong Holy Week, ayon kay Kim ay nagpupunta siya sa less crowded at tahimik na lugar.
“Magpunta sa church and give thanks and sacrifice something kasi si Lord, nag-sacrifice naman siya nang malala para sa buhay natin,” sey ni Chinita Princess.
Ayon kay Paulo, kapag Holy Week ay hindi siya nakikisabay sa mga taong nagbabakasyon sa iba’t ibang lugar.
“Madalas, mag-isa lang ako sa bahay, nagse-self reflect lang ako, ina-assess ko rin ‘yung mga pagkakamaling nagawa ko or kung paano ko pa mai-improve ‘yung mga parts ng personality ko na tingin ko, hindi maganda ‘yung epekto sa ibang tao,” saad ni Paulo.