Calendar

Mayor Honey: Success tayo, manalig lang sa tapat, totoo
DUMIKIT na halos si Manila Mayor Honey Lacuna sa leading candidate sa pagka-mayor ng Manila sa pinakahuling survey na inilabas ng Tangere.
Nakakuha si Lacuna ng 40% sa kabuuang bilang ng mga tinanong na botante kung sino ang kanilang napipisil na ihalal, na halos dikit na sa nakuha ni dating mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na 48%, habang 8% porsiyento naman si Sam Versoza.
Isinagawa ang survey ng Tangere noong Abril 25 at 26 na ayon sa kampo ng alkalde pataas na ng pataas ang kanyang numero habang bumabagsak naman ang kay Domagoso.
“We are within striking distance and closing in fast. We clearly have a two-horse race, as the other candidate has dropped to an 8% share,” pahayag ni Lacuna.
Sabi pa ng alkalde, sa kabila ng negatibong pangangampanya at taktikang pang-kulto na ginagawa ng kanyang katunggali, lalo pa silang nakakakuha ng maraming suporta habang nauubos naman ang sa kalaban.
“Success tayo! Manalig lang sa tapat at totoo,” pagwawakas ni Lacuna.