Calendar

Pacquiao isusulong pagrepaso, amiyenda sa RTL
ISUSULONG ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang pagrepaso at pag-amiyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) upang matiyak na mayroong sapat na pagkain para sa mga Pilipino kasunod ang pagbibigay kapangyarihan sa mga magsasaka at maprotektahan din ang mga mamimili sa mataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Pagbibigay diin ni Pacquiao na ang bigas ay bahagi na buhay ng mga Pilipino kung kaya’t bilang mambabatas, kinakailangan nilang umaksiyon para maibaba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na magbibigay din ng proteksiyon sa kabuhayan ng libo-libong magsasaka.
Ipinahayag din ng dating senador na upang matiyak ang food security ng ating bansa, kinakailangang mabigyan ng kapangyarihan ang mga magsasaka kung saan sila na mismo ang magdidikta sa presyo ng bigas sa halip na ang mga tusong suppliers.
“Rice is life for the Filipino people. We must act now to bring down rice prices and protect the livelihood of our farmers. If we want a truly strong and secure Philippines, we must empower those who feed our nation,” wika nito.
Paliwanag pa ni Pacquiao na hindi maaaring laging dehado ang mga kaawa-awang magsasaka kung saan mahalaga na magkaroon ng rice policy na magbibigay prioridad sa mga Pilipinong magsasaka para matiyak na makakabili ng murang bigas ang mga consumers.
“Hindi puwedeng laging dehado ang ating mga magsasaka. We need a rice policy that prioritize Filipino farmers first. While ensuring that consumers can buy affordable, quality rice. Pagkain iyan hindi luho,” pagbibigay diin pa ni Pacquiao.
Dahil dito, tiniyak ni Pacquiao na isusulong nito ang paghahain ng panukalang batas na naglalayong magkaroon ng modernisasyon sa agrikultura, magkaroon ng investment sa rural infrastructure and pagtaas sa subsidiya ng mga magsasaka.