Pacman2

Dapat mamuno sa bansa ang mga lider na may pananampalataya at takot sa Diyos — Pacquiao

Mar Rodriguez May 1, 2025
18 Views

BINIGYANG DIIN ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na ang kinakailangang mamuno sa ating bansa ay ang mga lider na may malalim na pananampalataya at may takot sa Panginoong Diyos.

Ito ang nilalaman ng mensahe ni Pacquiao kaugnay sa pagtitipon ng mga Christian Pastors sa Davao City kung saan ipinangako nito na pangungunahan nito ang pagsisilbi sa bansa na may pananampalataya sa Diyos, may habag para sa kapwa at integridad.

Paliwanag ni Pacquiao na ang tunay na pamumuno o leadership ay kinakailangang naka-ugat sa paglilingkod sa ating mga kababayan at hindi ang pag-angkin sa kapangyarihan kabilang na ang pagtugon sa tawag ng Diyos na pagsilbihan ang mga Pilipino.

“Our nation needs leaders guided by faith, compassion and integrity. Together we will fight for laws that uplift the poor and uphold Christian values in governance,” wika ni Pacquiao.