Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Crew na nakapatay sa kapwa crew sumuko na

13 Views

SUMUKO na noong Huwebes ang primary suspect sa pagpatay sa babaeng service crew ng Turks Shawarma sa Quezon City noong Linggo.

Ayon sa report, dati ring empleyado sa Turks Shawarma ang 22-anyos na suspek na sumurender sa Barobo police station sa Surigao del Sur.

Sa report kay Provincial Regional Office (PRO)-13 director, P/BGen. Christopher Abrahano, bandang alas-12:45 ng hatinggabi sumuko sa mga awtoridad ang suspek kasama ang kanyang ina.

Umuwi sa kanilang probinsya ang suspek matapos mapatay ang katrabaho noong Linggo, ayon sa report.

“Ito pong suspek at ang biktima dating magka-tandem dito sa mga stores. Nung nakaraan lamang 3 weeks ago kinompronta nitong biktima itong suspek tungkol sa discrepancy ng kanilang inventory report.

Dahil po doon nagkaroon sila ng alitan at ito pong suspek natanggal sa trabaho,” pahayag ni P/Capt. Febie Madrid, tagapagsalita ng Quezon City Police District (QCPD).

Inaasikaso na aniya ng Barobo police ang pagturn-over ng suspek sa QCPD para sa kasong isasampa laban dito.

Bandang alas-8:55 ng umaga nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng Turks sa Tandang Sora Ave. at Quirino Highway sa Brgy. Sangangdaan, Quezon City na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.