‘Fixer’ ng PWD IDs sa QC arestado

Mar Rodriguez Jun 10, 2022
256 Views

BABALA laban sa mga fixers na gumagala-gala sa ibat’-ibang ahensiya at kagawaran sa Quezon City”.

Sapagkat ihayag ngayon ng Quezon City Government na nakatakda nilang kasuhan ang isang “fixer” na walang habas na nagsumite ng mga palsipikadong dokumento para makakuha siya ng mga

Identification Card (IDs) para sa mga Persons with Disability (PWD). Dinakip ng mga tauhan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang isang “fixer” na nagtatangkang magsumite ng mga pekeng dokumento para makakuha ng PWD IDs.

Hinarang ng isang “staff member” ang application ng limang PWD ID applicants matapos niyang mahalata na ang mga isinusumiteng dokmento ay nagtataglay ng mga palsipikadong pirma ng mga doktor na nakalagay sa medical certificates.

Naging kaduda-duda rin ang mga dokumento sapagkat iisang tao lamang ang nag-aasikaso nito na pinalalabas pa na siya ang “authorized representative” para maglakad ng mga nasabing dokumento.

Sa pakikipagtulungan ng mga PDAO staff sa mga kinatawan ng QC Legal Department dumulog sila ng Quezon City Police Department (QCPD) para agad na madakip ang hinihinalang “fixer” kung saan, agad naman ikinulong ang suspek sa QCPD Station. Nagbabala naman si PDAO Officer-In-Charge Debbie Dacanay laban sa mga taong magtatangka na mameke o magpalsipika ng mga dokumento ng PWD ID registration.

“The City Government will not take this issue lightly. And we will continue to apprehend and file complaints against these fixers. We also encourage PWDs to utilize our QC E-Service in applying for PWD ID where they can register online for free,” sabi ni Dacanay.