PPA

PPA ginagamit sa scam

208 Views

NAGBABALA ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko kaugnay ng mga indibidwal na nagpapanggap na mga tauhan ng ahensya at humihingi ng pera para umano mai-deliver na ang kanilang package mula sa ibang bansa.

Batay sa natanggap na impormasyon ng PPA ginagamit umano ang pangalan at logo ng ahensya sa panloloko.

Sinasabihan umano ng mga scammer ang kanilang bibiktimahin na mayroon itong dumating na package. Para makalabas ang package ay kailangan umanong bayaran ang service fee, buwis at delivery fee.

“Nais ipagbigay-alam ng ahensya na hindi kailanman nakikipag-ugnayan ang PPA sa mga nagpapadala at tatanggap ng package na dumaraan sa mga pantalang nasa ilalim ng pamamahala nito,” babala ng ahensya.

Kapag nakuha ang bayad ay maglalaho na umano ang mga scammer at walang package na darating.