Calendar
Paghuhukay sa itatayong subway sisimulan na
MAGSISIMULA na ang paghuhukay para sa gagawing subway sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Transportation naibaba na ang tunnel boring machine na gagamitin sa paghuhukay sa Barangay Ugong, Valenzuela City.
Ang proyekto ay magpapatuloy umano kahit na bumaba si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.
Paliwanag ni DOTr Sec. Art Tugade ang proyekto ay hindi nakadepende sa General Appropriations Act kundi inutang ng gobyerno sa Japanese government sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency.
Ang subway ay mayroong habang 33 kilometro at 17 istasyon. Babagtas ito mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Ang mahigit na isang oras na biyahe at magiging 35 minuto lamang, ayon sa DOTr.
Inaasahan na sa 2025 ay magsisimula na ang partial operation nito at ang full operation ay mangyayari naman sa 2027.