PCOL-Germino

Kelot nagbiro sa lamay, muntik paglamayan

Steve A. Gosuico Jun 17, 2025
35 Views

PANTABANGAN, Nueva Ecija – Malubhang nasugatan ang 30-anyos na magsasaka nang saksakin ng lasing na suspek na hinagisan niya ng butong pakwan sa lamay sa Barangay Marikit ng bayang ito noong Lunes.

Kinasuhan ng frustrated homicide ang 37-anyos na suspek na nanaksak, ayon kay Nueva Ecija cop chief P/Col. Ferdinand D. Germino.

Base sa report, naganap ang pananaksak alas-5 ng umaga sa lamay habang nag-iinuman ang suspek at biktima.

Ikinagalit ng lasing ang paghagis ng butong pakwan ng biktima kaya biglang sinaksak sa ulo ang biktima.

Isinugod ang duguang biktima sa Alfonso Castañeda Health Center sa Nueva Vizcaya kung saan nananatili itong under medical observation.

“Hinihikayat namin ang mga umiinom na laging maging mahinahon at responsable lalo na sa mga social gatherings,” sabi ni Germino.