Dolyar

Piso lalong humina kontra dolyar

225 Views

MAS lalo pang humina ang piso kontra dolyar ngayong Huwebes, Hunyo 16.

Nagsara ang palitan sa P53.47: $1 o mas mahina ng 3.5 sentimos kumpara sa P53.435 noong Hunyo 15.

Ito ang pinakamataas na palitan sa nakaraang tatlong dekada. Noong Oktobre 31, 2018 ang palitan ay naitala sa P53.535: $1.

Ang paghina ng piso ay dulot umano ng pagbubukas ng ekonomiya ng Estados Unidos.