Calendar
Tiwaling importer, customs broker walang puwang sa aduana
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga mambabasa, maging sa mga kababayan natin sa ibang bansa.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na sumusuporta sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Malou Co, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Mabuhay kayong lahat!
God Bless!
***
Sa nakaraang tatlong taon, maraming pagbabago ang ipinatupad ng gobyerno sa aduana.
Ang mga pagbabagong ito ay nagsimula nang maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.sa Malakanyang.
At dahil nga sa mga repormang ipinatupad ni Marcos ay gumanda ang working relationship ng waterfront stakeholders.
Kabilang sa stakeholders ang mga negosyante o importer at customs broker.
Sa totoo lang, ang mga importer at customs broker ang nagbibigay ng pera sa gobyerno.
Kung walang importasyon ay walang papatawan ng buwis at taripa ang Bureau of Customs (BOC).
Kaya alam ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kahalagahan ng mga negosyante at broker.
Ang sabi nga ni Commissioner Rubio ay hindi magkaaway ang mga taga-BOC at waterfront stakeholders.
Sa totoo lang, ang mga opisyal at tauhan ng BOC, importers at customs brokers ay “partners in development.”
Kailanman ay hindi kaaway ng gobyerno ang iba’t ibang port users sa buong bansa.
Kaya, sa administrasyon ni Pangulong Marcos sa Malakanyang ay lalong paiigtingin ang pagtutulungan ng BOC at pribadong sector.
Hindi dapat mag-away ang mga waterfront stakeholders dahil ang mahalaga ay ang kapakanan ng bayan.
Hindi dapat pahirapan ng gobyerno ang mga port users.
Tulungan silang magnegosyo ng maayos sa aduana, pero dapat namang tumulong din sila sa gobyerno.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbayad ng tamang buwis, taripa at ibang bayarin.
Ang mga unscrupulous importers at customs broker ay walang puwang sa aduana.
Sila ang dapat matukoy para papanagutin sa kanilang mga kasalanansa bayan at taumbayan.
Hindi ba, Pangulong Bongbong at Commissioner Rubio?
***
Ngayong araw na ito (Lunes) ay uupo na ang mga bagong national and local government officials.
Sana, bantayan nating mabuti ang mga opisyal na ito.
Kailangang makita natin na maayos nilang gagampanan ang kanilang trabaho.
Lalo na sa mga probinsiya na kung saan nandiyan ang maraming katiwalian.
Ayon sa mga sumbong, maraming lugar ang wala pang nakikitang mga proyekto para mapaganda ang buhay ng mga kababayan natin.
Ang problema kasi ay laganap pa rin ang vote-buying sa panahon ng eleksyon.
Napipilitan ang mga botante na ipagbili ang kani-kanlang boto sa highest bidder dahil sa kahirapan.
Ang hindi nila alam ay ang mga politiko lang ang kanilang mga pinayayaman sa kanilang mga ginagawa.
Tama ba kami, Comelec Chairman George Erwin Garcia?

