Shabu Source: File photo

100 gramo ng shabu na halagang P.6M nakuha sa kelot sa Bulacan

Bernard Galang Jul 1, 2025
419 Views

CAMP OLIVAS, City of San Fernando–Isang drug suspek noong Martes ang inaresto at nasabat mula sa kanya ang mahigit P686,000 halaga ng shabu sa Balagtas, Bulacan.

Kinilala ng Bulacan police ang suspek na si alyas Omar,, 36.

Naaresto ang suspek ng Balagtas police sa buy-bust sa Dalig Road, Brgy. Borol 2nd at nakuhanan ng hindi bababa sa 101 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P686,800, kabilang ang isang lighter, timbangan ng droga at marked money.

“Ito ay isa pang makabuluhang tagumpay sa ating walang humpay na kampanya laban sa iligal na droga. Malinaw ang ating mensahe: walang ligtas na kanlungan para sa mga drug personalities sa Central Luzon. Patuloy tayong manindigan at mananatiling nakatutok,” pahayag ni BGen. Rogelio Peñones Jr., hepe ng Police Regional Office-3.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 an