Vic Reyes

Trabaho sa aduana kabisado ni Nepomuceno

Vic Reyes Jul 2, 2025
482 Views

KAISA tayo sa mga naniniwalang sa nalalabing tatlong taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R.Marcos Jr sa Malacanang ay si Ariel F. Nepomuceno ang kanyang komisyuner ng Bureau of Customs (BOC).

Noong Lunes, Hunyo 30, ay pinalitan ni Nepomuceno si dating BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Sa tingin ng maraming waterfront observers, kabilang na ang mga mamamahayag, ay tuloy-tuloy lang ang smooth operations sa BOC.

Hindi na kasi bago si Nepomuceno sa aduana.

Si Nepomuceno, na magna cum laude graduate ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City, ay dating Deputy Commissioner for the BOC Enforcement Group (EG).

Ang ibig nitong sabihin ay alam at kabisado na ni Commissioner Nepomuceno ang trabaho sa aduana.

Alam din niya kung paano magtrabaho ang maraming opisyal at kawani ng BOC.

Kagaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang BOC ay isang attached agency ng Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Secretary Ralph Recto.

Ang BoC ay pumapangalawa sa Bureau of Internal Revenue na revenue generator ng gobyerno, kaya malaking papel ang ginagampanan ng BOC.

Ang BOC ang siyang nagpapataw ng buwis, taripa at iba pang charges sa lahat ng imported goods.

Sa totoo lang, ang mga opisyal at tauhan ng BOC ang isa mga pinaka-busy na lingkod-bayan.

Ito ay sa dami ng mga dumarating na shipments sa iba’t ibang ports of entry sa bansa.

Ang major ports of entry ay Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of NAIA, Port of Subic, Port of Batangas, Port of Clark at Port of Cebu.

Sa pagbabalik ni Commissioner Nepomuceno sa aduana ay siguradong maraming pagbabagong magaganap para lalong mapaganda ang koleksyon at serbisyo ng BOC.

Kaya mahalaga ang patuloy na suporta ng lahat ng waterfront stakeholders sa BOC.

Sa tingin natin ay mananatili ang magandang working relationship ng gobyerno at port users.

Dahil hindi naman sila magkaaway kundi partners in development.

Tama ba, Commissioner Ariel F. Nepomuceno?

***

Ang lahat ng government offices and agencies ay siguradong abala ngayon sa paggawa ng kani-kanilang accomplishment reports.

Kailangan ni Pangulong Marcos ang mga report na ito para sa kanyang pang-apat na state-of-the-nation address (SONA).

Nakatakdang i-deliver ni Marcos ang kanyang fourth SONA sa joint session ng Senado at Kamara de Representante.

Sa July 28 ang joint session ng Congress sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City.

Ang magpre-preside sa joint session ng Congress ay ang Speaker of the House of Representatives at President ng 24-member Senate.

Inaasahang mananatiling House Speaker si Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte.

Si Senate President Chiz Escudero naman ay may balitang mahigpit na makakalaban niya sa puwesto si comebacking Sen. Vicente “Tito” Sotto.

Marami ang nagsasabing baka mapalitan si Senate President Escudero dahil sa kontrobersya sa impeachment ni Vice President Sara Duterte,

Binabatikos ng maraming sektor ngayon si Escudero dahil nga sa nangyayaring kontrobersya dulot ng nakatakdang trial ni Inday Sara sa Senado.