Calendar
MRT-3 may bagong ridership record
NAKAPAGTALA ng bagong ridership record ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) kahapon, Hunyo 17.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3 umabot sa kabuuang 389,734 pasahero ang sumakay noong Hunyo 17, ang pinakamataas na bilang simula nang magbalik-operasyon ang linya noong Hunyo 1, 2020, matapos ang pagtigil operasyon nito dahil sa pandemya.
Nanatiling libre ang sakay sa MRT-3 na magtatagal hanggang Hunyo 30.
Mas maraming train sets rin ang tumatakbo sa linya matapos ang pag-overhaul sa mga ito. Nasa 14 hanggang 16 3-car CKD train sets, at apat na 4-car CKD train sets ang tumatakbo sa mainline tuwing operational hours.
Bawat train car ay kayang magsakay ng 394 na pasahero. Ang isang 3-car CKD train set ay nakapagsasakay ng hanggang 1,182 na pasahero at ang 4-car CKD train set ay kayang magsakay ng hanggang 1,576 na pasahero.
Matatandaan na nasa 250,000 hanggang 300,000 mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw bago magsimula ang pandemya noong Marso 2020.