Patay File photo ni JONJON C. REYES

Bebot nakitang patay, balot ng dugo

Bernard Galang Jul 6, 2025
378 Views

ISANG babae noong Sabado ang natagpuang patay sa kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni Angeles City police director Col. Joselito Villarosa Jr. ang biktima na si Chinnie Mae Tiglao, 25.

Isang opisyal ng barangay, si Nestor Malonzo, ang nagpaalam sa mga pulis ng Angeles City tungkol sa insidente.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang walang buhay na biktima sa kanyang silid na may dugo sa ulo at balikat dahil sa mga sugat.