Boga Ang baril at mga bala na nakumpiska mula sa suspek sa Licab, Nueva Ecija. Kuha ni Steve Gosuico

May boga, bala kinalawit sa Nueva Ecija

Steve A. Gosuico Jul 12, 2025
418 Views

LICAB, Nueva Ecija–Nasakote ng mga pulis sa bayang ito ang lalaking may bitbit na baril noong Biyernes.

Kinilala ang naarestong suspek na si alias Marko, 23, ayon kay Major Roderick Corpuz, hepe ng pulisya.

Narekober mula sa suspek ang cal .38 revolver na may limang bala dakong alas-8:30 ng gabi.

Dinala sa istasyon ng pulis ang nahuli at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).