PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Kinakausap ni Police Major. Edward Samonte, hepe ng SMaRT, ang suspek sa kasong pagpatay matapos maaresto sa Cavite. Kuha ni JonJon Reyes
Provincial
Lolo, 63, na wanted sa murder tiklo matapos 35 taong pagtatago
Jon-jon Reyes
Jul 14, 2025
497
Views
NALAMBAT sa Brgy. Molino 2, Bacoor Cavite noong Biyernes ang 63-anyos na lolo dahil sa kasong murder na nagtago ng halos 35 taon matapos ang ginawang krimen noong 1990 sa Negros Occidental.
Nakilala ang suspek na si alyas Edgar 63, tubong Palupandan, Negros Occidental. Nalambat siya bandang alas-11:25 ng gabi ng mga operatiba ng Special Mayors’ Reaction Team (SMaRT) sa pangunguna ni P/Maj. Kherwin Evangelista at PCapt. Edgar Julian sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj. Edward Samonte.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Amcel Mercader, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 62, Bago City.
Nakatakdang i-turnover sa Bago City, Negros Occidental ang suspek, ayon sa report.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

