Calendar
Patay ang delivery rider matapos mabanga at masagasaan ng truck sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.
Metro
Motor sinalpok ng truck, tigbak
Jon-jon Reyes
Jul 19, 2025
402
Views
TODAS ang delivery rider matapos magulungan ng truck sa Roxas Boulevard sa kanto ng South Drive sa Ermita, Manila noong Sabado.
Nakilala ang biktima na si Ernest Manuzon at nasa kustodiya na ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang driver ng truck na si Roger Catubig, 57.
Ayon kay Police Capt. Dennis Turla ng MDTEU, bandang alas-11:10 ng umaga ng mangyari ang aksidente .
Sinabi ni PCpl Arcyll De Guzman, bago ang insidente parehong binabaybay ng truck at motorsiklo ang southbound lane ng Roxas Boulevard pero pagsapit sa kanto ng South drive tumama sa likuran ng NMAX ang truck.
Nahulog sa kalsada ang rider at nasagasaan ng truck na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

