Morello

Tomaan nauwi sa urakan; biktima buhay

283 Views

CAMP GEN. MIGUEL Malvar, Batangas City– Arestado ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ang kasamang obrero sa Purok 1, Brgy. Dalig, Batangas City noong Sabado.

Ginagamot sa Batangas Medical Center ang biktimang si alyas Jaypee, 37, at kinilala naman ang suspek na si alyas Rexson, 38.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima habang nag iinuman kasama ang kanilang mga kaibigan.

Nauwi sa pisikal na komprontasyon ang away ng dalawa.

Sa gitna ng gulo, kumuha ng kutsilyo ang suspek at ilang ulit na inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nang matanggap ang ulat bandang alas-9:40 ng gabi, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Batangas Component City police at naaresto ang suspek malapit sa kanyang tahanan at narekober din ang ginamit na kutsilyo.

Kasalukuyang inihahanda ng himpilan ng pulisya ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong frustrated homicide laban kay alyas Rexson, ayon kay P/Lt. Col. Ira Morello, hepe ng Batangas City police.