Calendar
Kinakamayan ni B/Gen. Rogelio Peñones (kaliwa), Central Luzon PNP director, sina Major Chris Dulagan, Bataan provincial chief ng CIDG, ng mag courtesy call noong Lunes sa heneral. Kuha ni CHRISTIAN SUPNAD
Limay folk pinabigyan ng pagkain ng mayor
LIMAY, Bataan–Nag-utos si Mayor Ritchie Jason David sa General Services Office (GSO) na maghatid ng pagkain at gamot sa mga tirahan ng kanyang mga kababayan na hindi makalabas dahil sa sunod-sunod na araw ng matitinding pag-ulan.
Inatasan din ni Mayor David ang mga GSO na alisin ang mga nagbara na natumbang kahoy sa mga kalsada at mga debris sa mga daan.
Humihingi rin ng paumanhin si Mayor David sa mga hindi pa naabutan ng ayuda dahil sa dami ng naapektuhan at ginagawa ng mga kawani sa GSO.
Karamihan sa mga naapektuhan ay mga mangingisda na hindi makapalaot dahil sa laki ng alon sa Manila Bay.
Ang Limay ay nasa gawing kanluran lamang ng bukana ng Manila Bay.
Idineklara ni Gov. Joet Garcia na suspendido ang klase sa lahat ng antas noong Lunes at Martes para makaiwas sa sakuna.

