MJ Kinilala ni PLt. Col. Norman Patnaan ang suspek matapos na matimbog sa Tondo, Manila.

Nag buy bust; kelot tiklo

Jon-jon Reyes Jul 25, 2025
224 Views

HULI ang lalaking may dalang 10 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust sa Bulacan St. corner Juan Luna St.,Tondo, Manila noong Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si alyas I kong, 24, na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 of RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Lt. Col. Norman Patnaan, hepe ng Jose Abad Santos Police Station, bandang alas-10:45 ng gabi ng simulan ng kanyang mga pulis ang buy bust operation.

Sa pamumuno ni Police Major Manuel Calleja kasama ang arresting Officer na PSSg Salem Chua, SDEU Operative; at PSSg Ralph Poblete, nahuli ang suspek na pinangasiwaan ni PLt. Col. Norman Patnaan.

Nakumpiska ng mga operatiba mula sa possession at control ng suspek ang dalawang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaghihinalaang marijuana o kush at ang ginamit na buy-bust money.

Nasa tatlong plastic sachet na may tinatayang timbang na mahigit o mas mababa sa sampung 10 gramo na may Standard na Presyo ng gamot na P14,000.