Calendar
Yorme Isko personal na binigay P100K sa nag-100 anyos na lola
WALANG pagsidlan ng galak ang isang lola nang dalawin ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang ika-100-taong kaarawan Miyerkules ng gabi
Personal na ipinagkaloob ng alkalde ang tseke na nagkakahalaga ng P100,000.00 kay Lola Liwayway Noel nang sumapit siya sa ika-100 taon na nakabatay sa umiiral na batas sa ilalim ng Centenarian Act.
“Konti na lang po, malapit na nating maibalik ang lahat ng benepisyo na nararapat para sa inyo, tulad ng tiyak na buwanang social pension, birthday cake, gatas na Ensure, at special Christmas gift,” sinabi ni Yorme Isko kay Lola Liwayway.
Labis ang pasasalamat ng lola, pati na ng kanyang pamilya, sa pagbisita sa kanilang bahay ng alkalde para personal na ipagkaloob ng cash gift.
“Maligayang kaarawan po, Lola Liwayway! Nawa’y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas ng ating Poong Maykapal,” mensahe pa ni Yorme sa lolang nagdiriwang ng 100-taong kaarawan.

