OMPH

Endoscopy, colonoscopy unit ng OMPH operational na

Helen D. Prado Jul 29, 2025
323 Views

NAG-operate na ang bagong Endoscopy at Colonoscopy unit sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) simula noong Hulyo 28.

Ginamit sa unang pasyente ni Dr. Christopher Gonzales (Internal Medicine/Gastroenterologist), Dr. Jayson Cleofas at Dr. Taemi Shimazaki (Anesthesiologist) ang bagong unit ng ospital para sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro.

Kasama sa unang gamit ng unit ang mga nars na sina Jethro Reyes, Jermagne Dana Perlado at Maria Christalyn Visaya.

Ang proyekto ay bunga ng pakikipagtulungan ng Rotary International District 3820, Rotary International District 3700 at ng Rotary Club of Daegum Kumsong mula sa South Korea.

Ang unang pasyente ay isang lalaki na 51-anyos, mula sa Brgy. Palhi na may peptic ulcer. Nakaranas siya ng matinding sakit ng tiyan at pagdurugo.

Dahil sa kanyang kahirapan, kinailangan niyang sumailalim sa endoscopy sa isang pribadong ospital at P50,000 ang nagastos ng kanyang pamilya.