Zamora

San Juan City nagdeklara ng holiday sa inagurasyon ni PBBM

236 Views

IDINEKLARA ng lokal na pamahalaan ng San Juan City na special non-working holiday sa lungsod sa Hunyo 30, ang araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Pinirmahan ni City Mayor Francis Zamora ang isang executive order kaugnay nito.

Ayon kay Zamora ang deklarasyon ay alinsunod sa hiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga lungsod na katabi ng Maynila na gawing non-working holiday ang araw ng inagurasyon.

“There is a need to ensure the safety of all citizens, both residents and those working in the city of San Juan, who may be affected by road closures which will undeniably affect the flow of traffic of both motorists and the riding public,” sabi ni Zamora.

Sa Huwebes ay manunumpa sa tungkulin si Marcos bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa National Museum of Fine Arts.