Gapos Source: Screen grab mula GMA News file video

Gapos Gang itinali pamilya sa Bulacan, bahay ninakawan

Bernard Galang Aug 4, 2025
333 Views

SINALAKAY ng mga pinaghihinalaang armadong miyembro ng Gapos Gang noong Linggo ang isang bahay sa Angat, Bulacan at natangay ang may P1 milyon, apat na cellphones at dalawang baril.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng Bulacan police ang mga biktima na sina Jaime, 66; asawa nitong si Marita, 64; at kanyang anak na lalaki at babae ng Brgy. Taboc, Angat, Bulacan.

Lumabas sa pagsisiyasat na papaalis na sana sa kanilang bahay ang mga biktima nang pumasok ang apat na armadong lalaki sa kanilang garahe.

Sapilitang dinala ng mga suspek ang mga biktima sa loob ng bahay saka itinali sa kusina bago hinalughog ang bahay.

Kinuha ng mga suspek sa vault ang mga alahas na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 milyon, apat na mobile phone, isang shotgun at .45 na baril.

Tumakas ang mga salarin dala ang kanilang mga ninakaw sakay ng Toyota Innova (KAL 1228).

Nakalas ng mga suspek ang kanilang mga sarili sa pagkakatali at ipinagbigay-alam sa pulisya ang pagnanakaw.