RIT Source: File photo

May ari ng kainan sa Ecija, patay sa RIT

Bernard Galang Aug 4, 2025
389 Views

DALAWANG lalaking sakay ng motorsiklo noong Sabado ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ang may-ari ng canteen sa Brgy. Las Piñas, Peñaranda, Nueva Ecija.

Kinilala ng Nueva Ecija police ang biktimang si Neil Patrick dela Cruz, 52, ayon ky Police Regional Office 3 (PRO-3) chief P/BGen. Rogelio Ponce Peñones.

Kumakain ang biktima at ang kanyang asawa sa labas ng canteen nang huminto sa kanilang harapan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na nakasuot ng itim na jacket, helmet at facemask.

Bumunot ng baril ang isa sa 2 nakamotor at pinaputukan ang biktima bago umalis.

Nirespondehan ng mga nagpapatrolyang pulis ang insidente at natagpuan ang duguang biktima sa semento.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.