MRT3

MRT-3 nakapagbigay ng 28M libreng sakay

171 Views

UMABOT sa 28,624,982 ang bilang ng libreng sakay na naibigay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) mula Marso 28 hanggang Hunyo 30.

Ito ang pinakamahabang programa ng libreng sakay na ibinigay ng MRT-3 sa kasaysayan ng railway system na naglalayong tulungan ang mga mananakay sa gitna ng mataas n presyo ng produktong petrolyo.

Naitala rin sa panahon ng libreng sakay ang ridership record ng MRT sa isang araw na umabot sa 381,814 noong Hunyo 10.

Nagbigay ng libreng sakay ang MRT-3 noong Marso upang ipamalas ang magandang serbisyo nito sa publiko matapos sumailalim sa rehabilitasyon ang sistema.

Kaya na rin ng MRT-3 ngayon na magpatakbo ng train set na mayroong apat na bagon.

Ang train set na mayroong tatlong bagon, na siyang kalimitang bumibiyahe ay kayang magsakay ng 1,186 pasahero sa isang biyahe. Ang may apat na bagon naman ay kayang magsakay ng 1,576 pasahero.

Mula noong Marso ay wala pang naitatalang unloading incident sa MRT-3.