Calendar
Bintang ni VP Sara di pwedeng basta itapon sa basurahan
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa Japan.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii, Chato Coronel, Patricia Coronel, Endo Yumi, La Dy Pinky, Yoshiko Katsumata, Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, Roana San Jose at si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin sina: Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
****
Sa dami ng challenges na kinakaharap ng bansa, hindi dapat ma-distract ang attention ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang mga dapat gampanan.
Nandiyan ang pangunahin nitong trabaho na revenue collection.
Kagaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kailangang makapag-deliver ang BOC para makatulong sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kailangang matigil rin ang ismagling dahil ang mga ismagler ang perhuwisyo sa bayan.
Naniniwala tayo na buo ang suporta ni Pangulong Marcos kay Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno.
Sa tingin natin, kayang-kaya ni Commissioner Nepomuceno na paangatin ang koleksyon ng ahensya sa nalalabing taon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.
Ang kailangan lang ay tumulong ang mga opisyal at kawani ng BOC kay Nepomuceno.
Lahat ay kailangang sumunod sa kumpas ni Comm. Ariel.
Hindi puwedeng magkanya-kanyang lakad ang mga tao ni Comm. Nepomuceno.
Dapat maging istrikto siya para walang maglakas loob na gumawa ng kalokohan sa nalalabing taon ni Pangulong Marcos sa Palasyo.
Ito ang dapat bantayan ni BOC Chief Nepomuceno.
Alam naman natin na meron pang natitirang mga bugok sa customs..
Sabi nga ng mga well-meaning waterfront stakeholders, hindi pa huli ang lahat para magbago ang mga naliligaw ng landas sa aduana.
****
Marami ang naghihintay sa ruling ng Korte Suprema tungkol saimpeachment rap laban kay Vice President Sara Duterte.
Kailangang malaman na ng lahat kung ano talaga ang pinal na desisyon ng korte.
Ang mahalaga ay dapat masagot ni Vice President Duterte ang bintang sa kanya.
Hindi puwedeng basta na lang itapon sa basurahan ang mga bintang laban sa kanya.
Walang mangyayari sa atin kung laging iwas pusoy ang mga taong nahaharap sa iba’t ibang kasalanan.
Karapatan ng taumbayan na malaman ang buong katotohan dahil ang pinaghahanap ay pera ng mamamayang Pilipino.
Kung walang kasalanan ang bise presidente, well and good.
Pero dapat harapin niya ang mga ito.
Tama ba, Pangulong Bongbong Marcos?

