Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Rider ayaw sa checkpoint may droga, boga pala
Steve A. Gosuico
Aug 24, 2025
788
Views
CABANATUAN CITY–Nasukol ng mga pulis sa siyudad na ito ang rider na tumakas sa checkpoint at kalauna’y natuklasang may dalang P34,000 halaga ng shabu at baril nang maabutan sa Melencio St., Brgy. Melojavilla noong Linggo dito.
Kinilala ni Lt. Col. Renato Morales, hepe ng pulisya, ang naarestong suspek na sakay ng Honda TMX 125 na si alyas Harry, 31.
Kinapkapan ang suspek at nakita sa kanyang pag-iingat ang cal .38 revolver, anim na bala at anim na gramo ng shabu na may halagang P34,000.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

