Saksak

Anak tepok sa saksak ng ama

Bernard Galang Aug 25, 2025
258 Views

ISANG lasing na tatay noong Lunes ang pinagsasaksak ang sariling anak na babae habang nakikipagtalo sa isang lalaki sa Lubao, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., kinilala ni Pampanga police director Col. Eugene M. Marcelo ang suspek na si alyas “Mendo,” ng Bgy. San Jose Gumi, Lubao, Pampanga, na nakatakas matapos ang insidente.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagtatalo ang lasing na suspek at isang lalaki nang kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa braso ang huli.

Ito ang nagtulak sa anak ng suspek na makialam ngunit sinaksak naman ng ilang beses ng suspek saka mabilis na tumakas.

Ang biktima ay natagpuang patay sa kanyang higaan habang ang lalaking nakipagtalo sa suspek ay dinala sa Escolastica Romero, Lubao, Pampanga para gamutin.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na sasampahan ng kasong parricide at attempted homicide.