Pirates

Pasig Pirates wagi sa PCAP chess team championship

Ed Andaya Aug 26, 2025
708 Views

Namayani ang Pasig City King Pirates, sa pangunguna nina IM Chito Garma at.Omar Bagalacsa, bilang team champion sa nakalipas na first PCAP Rated Open chess championships sa Estancia Mall sa Pasig City kanakailan.

Kasama din sa Pasig Pirates nina Mayor Vico Sotto at coach Franco Camillo sina Marc Kevin Labog, Kevin Arquero at Sherwin Tiu.

Ang Pasig Pirates ay nagtala ng 32.5 points.

Pumangalawa naman ang IIEE-PSME Quezon City Simba’s Tribe, na pinangunahan nina IM Ronald Dableo at Samson Lim sa kanilang 31 points, habang pumangatlo ang Team Rusya, na pinamunuan nina NM Edgardo Garma at Vince Angelo Medina sa kanilang 29.5 points

Fourth placer ang Team PCWorx, na may 28.5 points. at fifth placer ang No Team/Individual, na may 26.5 points.

Sina PCAP Chairman Michael Angelo Chua at President-Commissioner Atty. Paul Elauria ang nag-abot ng mga tropeo at cash prizes.