Calendar
Kinilala ni P/Lt. Col. Rommel Anicete ang suspek na tulak na naaresto sa Port Area, Manila. JONJON C. REYES
Metro
Lalaki tiklo sa P74K na shabu
Jon-jon Reyes
Aug 29, 2025
477
Views
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station 13 ang 55-anyos na lalaking suspek na tulak na may dalang 11 gramo ng shabu sa buy-bust noong Biyernes sa Block 9, Tambakan, Baseco compound, Port Area, Manila..
Kinilala ang suspek na Alyas “Ama” isang muslim, tubong Cotabato City may asawa, at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13, bandang alas-12:45 ng tanghali nahuli si alyas Ama.
Nakuha sa suspek ang 11 gramo ng shabu na may halagang P74,800.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek sa Manila City Prosecutor’s Office.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

