Libanan1

Libanan: Flood control strategy, pagbaha matutugunan ng bagong DPWH chief

313 Views

NAGBIBIGAY umano ng bagong oportunidad ang pagkakatalaga kay Vince Dizon bilang bagong Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maiayos ang flood control strategy upang matugunan ang pagbaha sa bansa.

“The change in DPWH leadership opens the door not only to reorganize the agency, but also to reboot and reinvent the government’s entire flood control program,” ani House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ng 4Ps Party-List.

Hinimok ni Libanan si Dizon na agad magsagawa ng malawakang audit ng mga isinasagawa at ipinanukalang flood control projects upang matiyak na ang pondo ng bayan ay napupunta sa mga gawaing tunay na nakakapagprotekta sa mga komunidad.

“Every peso must go to infrastructure that saves lives and livelihoods, not to questionable projects that merely look good on paper,” diin ng mambabatas mula sa 4Ps Party-list.

Muli ring nanawagan si Libanan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatawag ng isang National Public-Private Flood Control Summit na magbubuklod sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga lider ng negosyo, at mga eksperto upang tugunan ang problema ng pagbaha sa buong bansa.

“The private sector, as shown by businessman Ramon Ang’s offer to help fix Metro Manila’s flooding problem, is ready to contribute. But the State must boldly lead the effort, because flood control demands both resources and the enforcement of zoning and waterway laws,” aniya.

Dagdag pa ni Libanan, handang suportahan ng Kongreso ang naturang inisyatiba, kahit umabot pa ito sa pagbibigay ng special emergency powers sa Pangulo upang mapabilis ang procurement, relokasyon ng mga apektadong pamilya, at right-of-way acquisitions.

“This is a national crisis that demands a countrywide solution. Harsh climate change will only worsen the risks of massive flooding in the years ahead,” babala ni Libanan.