Dolyar

Piso humina laban sa dolyar

234 Views

BUMABA ang halaga ng piso kontra sa dolyar.

Naitala ang palitan sa P56:$1 ngayong Huwebes, Hulyo 7. Ito ang pinakamahinang halaga ng piso sa nakalipas na 16 na taon.

Nagsara ang palitan sa P56.06:$1 bumaba ng 39 sentimos kumpara sa P55.67:$1 na palitan noong Miyerkoles, Hulyo 6.

Ang naitalang palitan noong Hulyo 7 ang pinakamababa mula noong Setyembre 27, 2005 kung kailan naitala ang halaga ng $1 sa P56.295.