Calendar
Suspek sa rape ng menor de edad dinampot sa Caloocan
BUMAGSAK sa kamay ng mga pulis ang lalaking akusado ng panghahalay sa menor-de-edad na babae noong Biyernes sa Caloocan City.
Nahuli ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jerry Protacio si alyas Mario, 26, dahil sa pagmomolestiya ng ilang ulit sa batang biktima.
Sa tulong ng impormante ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth, natunton ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) si alyas Mario sa Block 22, Lot 1 Swimming Pool St. Maligaya, Brgy. 177, Caloocan City.
Natiklo ang suspek sa tulong ng warrant of arrest galing kay Caloocan Regional Trial Court (RTC) Acting Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman-Alvarez ng Branch 131.
Kinasuhan ang suspek ng attempted sexual assault, acts of lasciviousness in relation to RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination at qualified rape of a minor.

