Bar Ang mga eksena sa unang araw ng Bar exams sa University of Sto. Tomas gate sa Espana Blvd., Sampaloc. Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Pagsusulit sa Bar sa UST nagsimula na

Jon-jon Reyes Sep 7, 2025
373 Views

Bar1Bar2NAGSIMULA na ang unang araw ng Bar examinations sa University of Sto. Tomas sa España Blvd., Manila noong Linggo.

Nagsimulang magdatingan ang mga Bar examinees pasado alas-4:30 ng umaga, ayon sa report.

Gaganapin ang Bar exams sa Setyembre 7, 10 at 14 sa ilang testing center sa buong bansa.

Ayon sa data ng Korte Suprema, sa nakalipas na anim na taon mahigit 9,000 na naghahangad maging abogado ang kumuha ng pagsusulit bawat taon.

May kabuuang 13,301 examinees ang kukuha ng Bar exams sa taong ito.

Malaki ang pagbabago sa anyo at pamamaraan ng mga Bar exams mula noong 2023 dahil ginawang tatlong araw na lamang sa halip na apat.

Binawasan din ng dalawa ang pangunahing paksa sa pagsusulit imbes na walo.

Alerto ang mga pulis-Maynila at katuwang ang Philippine Navy at Manila Traffic and Parking Bureau-MMDA para sa seguridad at pagmamando sa daloy ng trapiko sa nasabing lugar.